Dahil
sa pasakit at pagdurusa
Ang tao’y lumuluha
Kagaya ni Maria na ating Ina
Naghinagpis ng sobra
Dahil ang kanyang Anak na
sinisinta
Ay nagpakasakit at nagdurusa
Ngunit sa pagluha ni Maria
Gustong ipaalala
Na ang bawat luha
Ay maari ding maging isang
pagpapala
Sapagkat ang pasakit at
paghihirap ng kanyang anak ay isang Biyaya
Dahil sa pagpapakasakit at
pagdurusa
Ng kanyang anak na sinisinta
Tayo’y lumaya at nagkaroon
ng bagong simula
Nabigyan ng dahilan para
muling tumawa
At maging maligaya
Kaya’t huwag mag-alala
Kung tayo’y napapaluha
Dahil sa ating pagtitiwala
Sa Kagustuhan ng ating Diyos
Ama
Dahil siya ay hindi
nagpapabaya
Tandaan natin
Na sa bawat luhang dumadaloy
Ang tuwa ay magpapatuloy
Sa bawat iyak na bumubuhos
Sa galak ito nagtatapos
(Photo: CTTO)

Ganda po, Father.
ReplyDelete