Thursday, September 14, 2017

LUHA

Dahil sa pasakit at pagdurusa
Ang tao’y lumuluha
Kagaya ni Maria na ating Ina
Naghinagpis ng sobra
Dahil ang kanyang Anak na sinisinta
Ay nagpakasakit at nagdurusa

Ngunit sa pagluha ni Maria
Gustong ipaalala
Na ang bawat luha
Ay maari ding maging isang pagpapala
Sapagkat ang pasakit at paghihirap ng kanyang anak ay isang Biyaya

Dahil sa pagpapakasakit at pagdurusa
Ng kanyang anak na sinisinta
Tayo’y lumaya at nagkaroon ng bagong simula
Nabigyan ng dahilan para muling tumawa
At maging maligaya

Kaya’t huwag mag-alala
Kung tayo’y napapaluha
Dahil sa ating pagtitiwala
Sa Kagustuhan ng ating Diyos Ama
Dahil siya ay hindi nagpapabaya

Tandaan natin
Na sa bawat luhang dumadaloy
Ang tuwa ay magpapatuloy
Sa bawat iyak na bumubuhos
Sa galak ito nagtatapos


(Photo: CTTO)